Alam mo ba na ang mga Pilipino ay mayaman sa mga kwentong alamat? Ngayon ko napagtanto na totoo pala na ang mga Pilipino ay sadyang malikhain pagdating sa paggawa ng mga kwentong me halaga o di kayay pampalipas oras lang.
Dati iniisip ko na ang mga kwentong alamat ay may bahid ng katotohanan. Ngunit habang akoy nagkakaedad, nalaman ko na ito ay bunga lang ng malikhaing isip na wari bang merong nais iparating na napakaimportanteng aral. Sadyang di ko lubos maarok ang lalim ng mga kwentong alamat ng mga Pilipino.
Mga ilang araw lang ang nakalipas ng madiskubre namin - ng mga kagrupo ko- ang walang hangganang kayamanan ng mga kwentong alamat. Isipin mo hanggat kaya mong isipin na mga bagay, lahat yan ay may katumbas na kwentong alamat. Halimbawa, alamat ng lahat ng prutas- mangga, kasoy, papaya, bayabas, suha, saging, langka, santol, ........ o kahit ano na gusto mong isipin. O di kayay mga bagay naman, - salamin, kalan, sandok, palo-palo at kung ano ano pa..
Ang halimbawa ng kwento ay ganito: ang alamat ng saging
Noong unang panahon sa kaharian na nasa paanan ng Bundok Ilad ay may nakatirang isang binatang nagngangalang Juan. Sa paglalakad niya minsan sa gubat, may nakita siyang naninilaw na bunga na pahaba. Napalakas ang bulalas nya, Uy, parang saging to, ah.... Simula noon, tinawag na siyang saging..
Gusto nyo alamat naman ng lansones? Noong unang panahon sa lugar malapit sa kaharian ni Juan, ay may nakatirang ubod ng likot, si Pedro. Habang siyay nagtatakbo palipat-lipat sa mga bundok, meron syang nakitang nagkukumpulang maliliit na bunga ng isang puno. Nang makalapit sya, sabi nya..... Uy, parang lansones to, ah...... Simula noon ay tinawag na siyang lansones.
Ano, pinya na naman? Sa malayong kaharian malapit sa Sierra Madre, merong isang napakagandang prinsesa na nakatira. Minsan namasyal sya sa hardin, nakakita siya ng kakaibang halaman. Wari naguguluhan, sabi niya sa sarili, Uy, parang pinya to ah....... Simula noon ay tinawag na syang pinya.
Gusto nyo pa? Kayo na ang gumawa ng kwento.